Dagdag-singil sa kuryente, ipapatupad ng Meralco ngayong Abril

May dagdag-singil na ipatutupad ang Meralco ngayong buwan ng Abril.

Ito’y bunga umano ng pagtaas ng generation charge dahil gumagamit ng mas mahal na panggatong ang tatlong plantang konektado sa Malampaya gas facility na sa kasalukuyang naka-maintenance shutdown.

Ayon kay Meralco spokesman Joe Zalderiaga, Sa natural gas, nasa P5 lang kada kilowatthour (kWh) ang nalilikhang kuryente habang kung diesel o liquid condensate, nasa P7 hanggang P10-pesos kada kWh ang presyo.

Ani, Zalderiaga nasa P0.46 kada kWh ang unang tantya na dagdag singil sa generation charge sa parating na bill ngayong buwan.

Speak Your Mind

*