Free scholarship training ng TESDA, nagpapatuloy

Nagpapatuloy ang isinasagawang Free Scholarship Training ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) sa lalawigan ng Pangasinan.

Ito ang inihayag ni Cristina Reyes ang Career Ambassadors ng TESDA sa panayam ng sonshineradio.

Ani Reyes, katuwang ng TESDA para sa free scholarship training ang lahat ng LGU’S sa lalawigan kayat hinihikayat niya ang publiko na interesadong mag-sanay na magtungo lamang sa munisipyo ng kanilang lugar.

BUKOD sa mga LGU’S bukas din aniya sa mga PESO Offices at Technical Vocational School ang naturang programa na may kasama pang lebreng kit’s at allowance.

Dinagdag pa ni Reyes na napaka-raming trabahong naghihintay para sa programang ito ng TESDA.

Speak Your Mind

*