Mangingisdang apektado sa isinasagawang Dredging ng China sa West Philippine Sea, umaaray na

Umaaray na ang mga mangingidang pinoy sa epekto sa kanilang kabuhayan ng isinasagawang Dredging ng China sa West Philippine Sea.

Nito lamang nakaraan muling nakaranas ng pambu-bully ang mga mangingisda mula sa Chinese Coast Guard sa panatag Shoal na bahagi sa Exclusive Economic Zone (EEZ) ng Pilipinas.

Babala ni Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) Director Asis Perez, posibleng bumaba ang suplay ng isda sa Luzon.

Ito’y dahil nawawalan na ng tirahan at pangitlugan ang mga isda sa mga pinagtatalunang teritoryo bunsod ng mga itinatayong artificial island ng China dito.

Sa pagtaya ng BFAR, sampung porsyento o dalawang daang libong Metric Tons ng Fish Catch taon-taon ang nagmumula sa West Philippine Sea.

Speak Your Mind

*