Mary Jane Veloso, nananatiling matatag sa kabila ng kinakaharap na parusang bitay

Matatag ang loob ni Mary Jane Veloso sa kabila ng kinakaharap na parusang bitay sa Indonesia!

Ito ang inihayag ni Migrante International Chairperson Gary Martinez sa Sonshine Radio.

Aniya, sa kanyang personal na pakikipag-usap kay Veloso, hiniling nito na makita ang kanyang pamilya anumang araw ngayong linggo.

Nakahanda naman ang Department of Foreign Affairs (DFA) na umasiste sa ikalawang pagbisita ng pamilya ni veloso sa indonesia alinsunod na rin sa kahilingan nito.

Speak Your Mind

*