Mga survivors ng magnitude 7.8 na lindol sa Nepal, galit na dahil sa mabagal ng tulong sa kanila

Galit na ang mga survivors ng magnitude 7.8 na lindol sa Kathmandu kabisera ng Nepal dahil sa mabagal na pagdating ng tulong sa kanila.

Limang araw matapos ang pagyanig, karamihan sa mga ito ay wala pang natanggap na pagkain o tubig at mga tents sa kabila ng tone-toneladang humanitarian aid na dumating sa Nepal.

Aminado naman ang gobyerno ng Nepal na hindi kayang pamahalaan ang kalamidad lalo na ang relief operation lalot karamihan sa mga residente ng liblib na bahagi ng Nepal, ay nais ng lisanin ang lugar.

Sa ngayon umaabot na sa 5,238 ang nasawi sa pagyanig habang halos 100,000 kabahayan ang sinira ng lindol.

Speak Your Mind

*