Multa sa mga taxpayers na sakop ng eBIRForms na bigong makapaghain ng tax return, ipinakakansela

Dapat ipagpaliban ang pagpapatupad ng multa sa taxpayers na sakop ng Electronic Filing and Payment System (EFPS) or Electronic BIR Forms (eBIRForms) na mabigong makapaghain ng tax returns sa ilalim ng nasabing electronic systems.

Ito ang apila ni Senador Bam Aquino sa Bureau of Internal Revenue (BIR) batay sa Revenue Regulation No. 5-2015 hanggang sa 2015 upang mabigyan ng sapat na panahon ang taxpayers na matutunan ang online facilities ng ahensiya.

Sa ilalim ng RR No. 5-2015, lahat ng taxpayers na saklaw ng kautusan ay dapat maghain ng tax returns gamit ang EFPS o eBIRForms.

Kapag nabigo, pagmumultahin sila ng P1,000 kada return batay sa section 250 of the National Internal Revenue Code (NIRC) of 1997.

Dagdag pa rito, ang taxpayer ay pagmumultahin din ng katumbas ng 25 percent ng tax due na kanilang babayaran, dahil sa hindi pagsunod sa regulasyon.

Speak Your Mind

*