No-sail zone, ipinatupad ng North Korea sa karagatan ng East Coast

Nagdeklara ng no-sail zone ang North Korea para sa mga barkong dumaraan sa karagatang bahagi ng East Coast nito.

Posibleng preparasyon umano ito ng Nokor para sa karagdagang missile test.

Pero ayon sa mga observers, posibleng may kaugnayan din ito sa nakatakdang pagbisita ni US Defense Secretary Ash Carter sa South Korea sa huwebes.

Noong biyernes lamang ay nagpalipad ng apat na mga short-range missile ang pyongyang sa West Coast nito.

Ito’y sa gitna ng nagpapatuloy na Joint Military Exercises ng Estados Unidos at South Korea na tinututulan ng Hilagang Korea.

Speak Your Mind

*