Oplan Ligtas Sumvac ng Dagupan PNP noong semana santa, epektibo

Hindi pinalampas ng mga kasapi ng Dagupan City Police ang Semana Santa para sa maglunsad ng kampanya kontra illegal drugs at laban sa mga hinihinalang masasamang elemento.

Anim na hinihinalang lumabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act at dalawang hinihinalang magnanakaw ang nasakote ng mga otoridad, mula biyernes santo hanggang sa linggo ng pagkabuhay.

Ayon kay P/Supt. Christopher Abrahano, ang hepe ng Dagupan City Police Station, sa kabuuan ay naging mapayapa ang pagdaan ng semana santa sa lungsod.

Ani Abrahano, malaki ang naitulong ng kanilang pagpapatupad ng operation ligtas Summer Vacation (SUMVAC) bago pa man ang inaasahang pagdagsa ng mga bakasyunista at turista sa siyudad.

Ang Oplan Ligtas Sumvac ay isang security plan para masiguro ang kaligtasan at seguridad ng mga nasa lungsod ng Dagupan.

Speak Your Mind

*