Pag-ibig Fund, may bago ng patakaran sa pagkuha ng Multi-Purpose Loan

Makakakuha ng Multi-Purpose Loan (MPL) sa pag-ibig fund ang isang miyembro kapag nabuo na nito ang dalawampu’t apat na monthly contributions.

Ito ang sinabi sa ni Becker Van Ramos, ang Member Services Officer III ng Pag-ibig Fund sa lungsod ng Dagupan, at dagdag pa sa kinakailangan aniya ay dapat ang miyembro ay aktibo ng paghuhulog sa loob ng nakaraang anim na buwan.

Samantala, ipinaliwanag naman ni Ramos sa Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas (KBP) forum na ang mga mayroong MPL ay maaari na ring makakuha ng calamity loan.

Ipinaliwanag nitong noong mga nakaraang taon, ang patakaran ng Pag-ibig Fund, kapag ang miyembro ay nakakuha ng calamity loan, ang nangyayari sa Dating Multi-Purpose Loan nito ay ibabawas sa bago nitong loan.

Ngunit ngayon aniya ay mayroong sinusunod na circular ang Pag-ibig Fund na kapag nag-loan ang member ng calamity ay iba rin o hindi ibabawas ang hindi pa nito nababayarang Multi-Purpose Loan.

Speak Your Mind

*