Pananalasa ng bagyo sa Bangladesh, umakyat na sa 36 katao ang patay

Umakyat na sa 36 katao ang nasawi sa paghagupit ng magkahiwalay na bagyo sa Bangladesh.

Ayon sa report ng Bangladesh media, ang pinakamaraming nasawi ay mula sa Northern District ng bogra na umaabot sa 20.

Batay sa report, marami ring puno ang natumba, naputol din ang supply ng kuryente at marami raw mga kabahayan, paaralan at shops ang sinira ng bagyo.

Samatala, sa Saudi Arabia patay ang isang pulis habang tatlo ang sugatan sa nangyaring pag-raid sa silangan bahagi ng Shiite Town

Ayon sa Interior Ministry, naka-engkuwentro ng heavy gunfire ang mga security forces habang isinasagawa ang raid kung saan lumaban ang mga pulis at naaresto ang apat na saudi citizen.

Una rito, nakumpiska ng mga Saudi Police ang mga armas at bala mula sa mga ilang kabahayan na kanilang sinalakay sa bayan ng Al-Awamiya.

Speak Your Mind

*