Pangalawang linggo ng sonshineradio’s radyoke singing icon 2015, matagumpay

Matagumpay ang ginanap na Sonshineradio Radyoke Singing Icon 2015 sa Caranglaan School Auditorium sa lungsod ng Dagupan noong sabado.

Lahat ng mga kalahok sa tatlong katergorya na kinabibilangan ng bulilit, junior at senior ay kakaiba ang kanilang naging performance, mula sa audition and screening lalo na sa oras ng knock out round.

Nagwagi sa Bulilit Category si Justine Castro sa pamamagitan ng awiting “Let It Go”, habang “Mr. DJ” naman ang inawit ng nanalo sa junior category na si Jhanelle Garcia.

Naging mahigpit naman ang labanan sa senior category ngunit namayagpag si Mark Ruiz sa kanyang pag-awit ng “Magsimula Ka”.

Nagkamit ang mga nanalo ng cash prize at gift packs mula sa sonshine radio.

Ang grand final showdown ng sonshine radio’s radyoke singing icon 2015 ay gaganapin sa mayo a-dise sais, alas kuwatro ng hapon sa Metro Plaza sa lungsod ng Dagupan.

Speak Your Mind

*