Panliligaw ni Enrique Gil, inamin na ni Liza Soberano

Umamin na ang teen star na si Liza Soberano na nililigawan siya ng aktor at katambal niyang si Enrique Gil.

Ayon kay Hope Elizabeth Hanley Soberano sa tunay na buhay, bukas siya sakaling lumalim pa ang pagkakaibigan nila ng 23-year-old actor.

Sinabi ng 17-year-old actress na pinakahinahangaan daw niya kay Enrique ay ang pagmamahal nito sa pamilya.

Lagi rin umano itong nariyan sa tuwing may problema sya at magaling umanong magbigay ng advice.

Pero sa ngayon ay prayoridad daw ni Liza ang showbiz career at ang balak na bumalik sa pag-aaral sa kursong BS Psychology.

Speak Your Mind

*