Pokwang, handang manirahan sa America para sa boyfriend na si Lee O’Brien

Nasa bansa ngayon ang American actor na si lee O’Brien katuparan sa pangakong magbabakasyon siya sa bansa ngayong summer kasama ang kasintahang si Pokwang.

Kitang-kita sa larawang ipinost ng kaibigan ni Pokie na si K Brosas ang mga stolen shots sa mga sweet moments nina Pokie at Lee sa Coron, Palawan.

Matatandaan na naging opisyal ang pagiging mag-on nina Pokie at Lee noong January 20, habang ginagawa nila ang indie film na “Edsa Woolworth”.

Una nang inihayag ng komedyante na handa siyang manirahan sa Amerika sakaling magkatuluyan sila ni Lee lalot boto na naman dito ang kanyang only daughter na si Rhia Mae.

Ngayong naririto sa bansa si Lee, nagpahayag din si Pokwang na gusto niyang magkaroon ng isa pang anak.

Speak Your Mind

*