PPH, mataas na ang naitatalang kaso ng diarrhea kada araw

Aabot sa dalawampung kaso ng diarrhea ang naitatala ng Pangasinan Provincial Hospital (PPH) kada araw.

Ayon kay PPH Chief Dr. Poly Manuel, karamihan sa mga nakakaranas ng Diarrhea ay mga bata na nakaka-kain ng mga kontaminadong pagkain at nakaka-inum ng maruming tubig.

Ani Manuel, sa panahon ng tag-init ay nagiging aktibo ang bakterya sa tubig at pagkain.

Kaya’t ang payo nito sa publiko na dapat sa Refilling Station bumili ng tubig.

Mayroon aniyang mga nababalitaan siyang umiikot na nagbebenta ng tubig na galing sa poso.

Samantala, ang mga pagkain ay huwag aniyang hayaan na mabilad sa araw para hindi madaling mapanis.

Speak Your Mind

*