100 bangkay, natabunan ng avalanche sa Nepal matapos ang magnitude 7.8 na lindol

Natagpuan ng mga rescuers ang nasa 100 bangkay ng trekkers at residenteng natabunan ng avalanche sa magnitude 7.8 na lindol sa Nepal.

Nakita ang mga bangkay sa Langtang village sa Kathmandu na isang kilalang trekking route sa mga umaakyat sa Himalayas range.

Nabatid na na-wipe out ng avalanche ang nasabing lugar kung saan natabunan ang mga biktima kasama ang pitong mga dayuhan.

Sa pinakahuling tala ng Nepal ay nasa 7,276 na ang patay sa lindol habang 14,300 ang sugatan.

Speak Your Mind

*