101-taong gulang, nailigtas matapos ang isang linggo pagtama ng lindol sa Nepal

Isang 101-taong gulang na lalaki ang nailigtas mula sa gumuhong bato ng kanyang bahay isang linggo matapos ang magnitude 7.8 na lindol sa bansang Nepal

Ayon kay Police Officer Arun Kumar Singh, nasa mabuting kalagayan na ang na-rescue na si Funchu Tamang at kasama na nito ang kaniyang pamilya.

Himala namang nagtamo lang ng minor injuries ang biktima na agad namang naisugot sa pagamutan.

Una nang itinigil ng Nepal government ang paghahanap sa mga survivors sa Kathmandu sa paniniwalang wala ng matatagpuang buhay rito.

Speak Your Mind

*