Dagupan PNP, nagbabala laban sa mga kawatan sa paaralan

Muling nagbabala sa publiko ang mga otoridad laban sa panibagong modus operadi ngayon ng mga magnanakaw.

Kaugnay ito sa nagyaring pagnanakaw ng isang lalaki sa kilalang unibersidad sa lungsod ng dagupan na nakita pa Closed-Circuit Television (CCTV) Cameras.

Ayon kay P/Supt. Cristopher Abrahano ang hepe ng Dagupan PNP, upang hindi mabiktima ng pagnanakaw iwasan ang nakipag-usap sa hindi kakilala, huwag i-entertain ang mga taong nais magpapakilala.

Batay sa tala ng Pangasinan PNP, umaabot na sa dalawamput tatlong kaso ng nakawan ang naitala sa mga paaralan sa lalawigan mula buwan ng Enero hanggang buwang kasalukuyan.

Maliban sa pagnanakaw sa mga gamit ng mga estudyante at mga guro, puntirya din ng mga kawatan ang mahahalagang kagamitan ng paaralan gaya ng mga computer units.

Tiniyak naman ng Dagupan PNP na patuloy ang kanilang pakikipag-ugnayan sa mga paaralan upang matiyak ang siguridad ng mga mag-aaral.

Speak Your Mind

*