Golden State Warriors at Cleveland Cavaliers, maghaharap sa NBA Finals

Tinanghal na kampeon ang Golden State Warriors sa katatapos na West Conference finals laban sa Houston Rockets sa score na 104-90.

Pinangunahan ni MVP Stephen Curry ang panalo ng Warriors para makuha ang 4-1 victory na nagbigay ng 21 points, 7 rebound, 6 assits at 5 steals.

Kaugnay nito, sunod na makakalaban ng Warrior ang Cleveland Cavaliers kasunod nang pagkampeon nito sa Eastern Conference Finals matapos tambakan ang Atlanta Hawks sa score na 118-88.

Nakatakdang magharap ang Warriors at Cleveland sa NBA Finals sa darating na June 4.

 

Speak Your Mind

*