Kampo ni VP Binay, posibleng dumulog sa Korte Suprema

Pag-aaralan ng kampo ni Vice President Jejomar Binay ang posibleng pagdulog sa Korte Suprema kaugnay ng umano’y patuloy na pagsisinungaling ni Atty Renato Bondal para siraan ang kredibilidad ng bise presidente.

Inihayag ni  Atty. Rico Quicho, tagapagsalita ni Binay sa Sonshine Radio na ang posibleng pagsasampa nila ng disbarment case proceedings ay isang usaping legal kaya’t iniisip nilang dumulog sa Korte Suprema.

Dapat na ring pag-aralan ni Justice Secretary Leila de Lima kung nararapat pa bang isa-ilalim sa Witness Protection Program(WPP) ang mga resource person laban kay Binay.

Ani Quicho, patuloy ang pagsisinungaling ni Bondal at dating Makati Vice Mayor Ernesto Mercado at iba pang resource person na marami nang nagawang paglabag kaya’t dapat na silang tanggalin sa WPP.

Ikinalungkot naman ng kampo ni Binay ang mga walang basehang pasabog ng mga kritiko ng bise presidente dahil marami nang naapektuhan sa mga mapanirang pahayag at nasisira na ang mga magagandang proyekto nito kahit pa lehitimong institusyon at mga negosyante ang kabilang rito.

Maliban diyan ay iginiit din niyang sablay ang pasabog ni Sen. Antonio Trillanes IV hinggil sa umanoy anomalya sa kursong nursing sa University of Makati.

Speak Your Mind

*