Kim Chiu, bukas sakaling muling ibalik ang tambalan nila ni Gerald Anderson

Walang problema kay Kim Chiu kung sakaling pagtambalin uli sila ng dati niyang boyfriend na si Gerald Anderson.

Ayon kay Kim, ever since naman ay hindi niya isinara ang posibibilidad na magkakatrabaho silang muli ng kanyang dating ka-love team mapa-TV project man ito o pelikula.

Pero sa ngayo daw ay hindi pa naman niya ito iniisip dahil may mga project pa siya na nakalinyang gagawin hanggang sa susunod na taon.

Hanggang ngayon ay usap-usapan parin ang paghihiwalay nina Gerald at Maja salvador na naging matalik na kaibigan ni Kim.

Pero iniiwasan ni Kim na makisawsaw sa isyu kaya sa halip ay nakiusap siya na sana ay irespeto ng publiko ang anumang desisyon nina Gerald at Maja.

Speak Your Mind

*