NDRRMC, nakaalerto na sa posibleng pananalasa ng bagyo

Naka-standby na ang search and rescue operations team ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) kaugnay ng pananalasa ng bagyong Dodong.

Ito ayon kay NDRRMC spokesperson Romina Marasigan ay para sa posibleng pre-emptive evacuations sa mga residenteng maapektuhan ng kalamidad.

Ipatutupad rin aniya ang “no sail” policy sa mga apektadong lugar upang maiwasan ang anumang panganib dala ng bagyo. Pinag-iingat din ng NDRRMC ang mga nakatira sa mga flood at landslide prone areas.

Kasabay nito, tiniyak ni Marasigan na nakahanda na ang mga relief goods na ipamamahagi  sa mga masasalanta ng bagyong Dodong.

Speak Your Mind

*