Paggamit ng PCOS machines sa 2016 elections, pinatitigil ng Korte Suprema

Ipinapatigil sa Korte Suprema ang muling paggamit ng Commission on Elections o COMELEC ng mahigit 82,000 PCOS machines para sa halalan sa 2016 na inirekomenda ng advisory council at technical evaluation committee ng ahensya.

Sa petisyong inihain ni dating Biliran Representative Glenn Chong at ang Kapatiran Party, labag anila sa probisyon ng konstitusyon ang pagbuo ng advisory council at Technical Evaluation Committee (T-E-C).

Anila, ang “sharing of power” ng mga ito sa COMELEC ay nakakapagkompromiso sa constitutional mandate ng mismong komisyon.

Humiling ang mga ito sa Korte Suprema ng temporary restraining order para ipahinto ang trabaho ng advisory council at Technical Evaluation Committee ng ahensya na dapat umano ay tanging sa COMELEC lang.

Ang advisory council ang syang nagrerekomenda ng teknolohiyang gagamitin para sa automated elections, habang ang T-E-C naman ang nagbibigay ng sertipikasyon.

Labag anila sa saligang batas na nagtatakda sa kapangyarihan ng COMELEC ang pagkakalikha sa dalawang konseho.

Kinuwestyon din ng mga petitioner kung bakit pinayagan ng kongreso ang mistulang pagdikta ng isang konseho sa COMELEC sa sistemang gagamitin sa eleksyon.

Kaya ang rekomendasyon anila ng advisory council sa COMELEC na muling gamitin ang mga lumang PCOS machine, sistema sa canvassing, consolidation system, at iba pang mga gamit para sa halalan 2016 ay dapat ding mapawalang bisa.

Speak Your Mind

*