Sen. Lapid, tatakbo na lang bilang alkalde ng Angeles city sa 2016 election

Matapos ang labindalawang taong panunungkulan bilang senador, napagtanto ni Sen. Lito Lapid na hindi sya para sa Senado.

Kaya naman napagpasyahan nito na tumakbo na lang bilang alkalde ng Angeles city sa Pampanga sa 2016 elections.

Gayunpaman, inamin nito na naging masaya sya sa panunungkulan bilang senador sa loob ng 12 taon.

Dagdag pa ni Lapid, sinusuportahan naman aniya niya ang mga panukalang batas na inihahain ng mga kapwa senador para sa kapakanan ng bansa.

Speak Your Mind

*