Tambalang Enrique Gil at Liza Soberano, muling masusubok sa Just The Way You Are

Muling masusubok ang tambalang Enrique Gil at Liza Soberano sa follow-up project ng dalawa sa kapamilya Network matapos ang matagumpay na pagtatapos ng teleseryeng Forevermore.

Naging malaking tagumpay ang unang pagtatambal ng dalawang young star sa nasabing serye na nagtala ng pinakamataas na rating ngayong taon nang magwakas nitong nakaraang Biyernes.

Ipinakita na ang ilang eksena ng pelikulang “Just The Way You Are”, ang magsisilbing solo launching movie ng LizQuen love team.

Una nang nagkasama sina Liza at Enrique sa She’s The One, pero supporting role lang sila noon kina Dingdong Dantes at Bea Alonzo.

Target playdate naman ng pelikulang “Just The Way You Are sa June 17, na tamang-tama sa opening of classes.

Speak Your Mind

*