Amerika, ikinabahala ang patuloy na aktibidad ng china sa West Philippine Sea

Ikinabahala ng Estados Unidos ang nagpapatuloy na aktibidad ng China sa South China Sea o West Philippine Sea.

Ito’y matapos ipahayag ng China ang planong magdagdag ng pasilidad sa pinag-aagawang teritoryo dahil patapos na ang kanilang isinagawang reklamasyon sa lugar.

Ayon sa U.S. State Department, ang panibagong balakin ng China ay hindi makatutulong para mapahupa ang tensyon sa South China Sea.

Una nang nanawagan ang Amerika sa China na itigil na ang reclamation sa pinag-aagawang teritoryo sa West Philippine Sea o South China Sea.

Speak Your Mind

*