Dating Egyptian President, hinatulan ng parusang bitay

Hinatulan ng parusang bitay si dating Egypt President Mohammed Morsi dahil sa nangyaring mass jailbreak sa bansa.

Inilabas ang nasabing hatol kay Morsi noon pang Mayo ngunit ngayon lang ito kinumpirma matapos ang ginawang konsultasyon sa Grand Mufti, ang pinakamataas na religious figure ng Ehipto.

Bukod kay Morsi ay hinatulan din ng parusang kamatayan ang lider ng Muslim Brotherhood na si Mohamed Badie at apat na iba pa.

Matatandaang noong 2011 ay nagkaroon ng pag-aalsa sa Egypt laban sa noo’y pangulo na si Hosni Mubarak.

Pinangunahan umano nina Morsi at Badie ang nasabing pag-alsa kung saan pinagpapatay at pinagdudukot ang mga pulis kasabay ng pag-atake sa mga police facilities at mass jailbreak.

Speak Your Mind

*