Government Internship Program (GIP) ng Provincial Government, sisimulan na

Malapit ng kumuha ng interns ang iba’t ibang opisina ng Pangasinan Provincial Government sa ilalim ng Government Internship Program (GIP).

Ito ay bahagi ng programa ng provincial government na makapagbigay ng mas maraming trabaho para sa mga kabataan at mahihirap ng mga Pangasinense.

Nagpasa ang Sangguniang Panlalawigan ng isang resolusyon na nagbibigay ng kapangyarihan kay Governor Amado Espino Jr., na pumasok at pumirma sa isang Memorandum of Understanding (MOU) sa Department of Labor and Employment (DOLE) Regional Office One para sa pagpapatupad ng GIP sa Pangasinan.

Ayon kay Board Member Generoso Tulagan Jr, may akda ng naturang resolusyon na ang gip ay magbibigay ng oportunidad para sa mga pangasinense.

Ang kwalipikasyon ay high school o technical vocational graduates, college graduates at mga walang trabaho, 18 hanggang 25 taong gulang at handang magkaroon ng iksperiensya sa pagta-trabaho sa gobyerno.

Sa ilalim ng Government Internship Program Guidelines, ang DOLE ay magbibigay ng technical support sa Provincial Government, i-monitor ang paglago ng pagpapatupad ng program.

Speak Your Mind

*