Landslide sa bayan ng Taplejung, Nepal, 15 katao ang nasawi

Pinaniniwalang nalibing ng buhay ang 15 katao at marami pa ang nawawala sa anim na village sa Nepal matapos itong makaranas ng landslide dahil sa malakas na pag-uulan

Ayon kay government administrator Surendra Bhattarai, ang landslide ay tumama ng gabi sa bayan ng Taplejung, 500 kilometers ang layo at halos limang oras kung lalakarin sa silangan ng Kath­mandu.

Sinabi naman ni Home Ministry official Laxmi Dhakal ng Kathmandu, nahirapang makalanding ang mga rescue helicopter sa pinangyarihan ng lugar dahil sa patuloy na pag-ulan at makakapal na fog.

Matatandaan na ang Nepal ay nagrerekober pa lamang mula sa naganap na lindol nitong April na ikinasawi ng mahigit sa 8,700 katao at nagdulot ng maraming pinsala.

Speak Your Mind

*