LJ Reyes at JC de Vera, umamin na sa relasyon matapos maghiwalay

Inamin na sa wakas ni LJ Reyes ang naging relasyon nila ni JC de Vera, pero gaya ng ilang celebrities, kinumpirma lang niya ito matapos ang kanilang break-up.

Sa isang interview, sinabi ng aktres na pinag-usapan at ipinagdasal nila ni JC kung ipagpapatuloy pa ba ang relasyon nila o tatapusin na.

Pero napagdesisyonan daw nilang maghiwalay na, ngunit hindi sinabi ng aktres ang dahilan ng break-up nila habang tahimik din si JC tungkol sa maagang pagtatapos ng relasyon nila ni LJ.

Usap-usapan naman na isa sa rason kaya naghiwalay ang dalawa ay dahil sa magkaiba nilang network at hindi daw maganda sa kani-kanilang respective careers kung si JC ay taga-ABS at si LJ ay talent ng GMA.

Speak Your Mind

*