Matatag ng relasyong Angelica Panganiban at John Lloyd Cruz, muling pinatunayan

Muling pinatunayan ng aktres na si Angelica Panganiban na walang katotohanan ang napapabalitang hiwalay na sila ng kaniyang boyfriend na si John Lloyd Cruz.

Ito sa pamamagitan ng mga instagram post ni Angelica na may caption na “I’ll never get tired of making you laugh, happiest birthday my love.”

Makikita rin sa mga nakapost na larawan na masayang magkasama ang dalawa habang nagda-drive si John Lloyd.

Samantala, ipinapakita naman sa post ng comedian na si Ogie Diaz ang pagdalo ni Angelica sa birthday celebration ni John Lloyd at sinamahan pa ito ni Ogie ng hash tag na “split daw eh ano yan?”

Matatandaan na naging mag-on sina Angelica at John Lloyd mula noong September 2012.

Speak Your Mind

*