Mga barangay sa Pangasinan, susuyurin Popcom para sa Family Planning

Nanguna ang Commission on Population (POPCOM) region one sa buong bansa sa pagtataguyod ng proyekto hinggil sa Responsible Parenting and Family Planning noong 2014.

Ito ang kinumpirma ni Maria Cristine Martinez, ang Information Officer ng Popcom Region one sa sonshineradio, at malaking tulong sa nabanggit na proyekto ang pagsasagawa nila ng pagtuturo sa mga magulang katuwang ang lokal na pamahalaan at ibang partner agencies.

Ang pagkakapili ng rehiyon uno ay dahil sa pagtaas ng kaalaman ng mga magulang sa Contraceptive Prevalence Rate o pagtanggap sa Family Method.

Ani Martinez, nagsusumikap ngayon ang popcom na masuyod ang lahat ng barangays sa pangasinan dahil ito ang probinsya na may pinaka-malaking populasyon sa rehiyon uno.

Ang mga nasa Geographical Isolated and Depressed Areas (GEDA) ang lugar na pupuntahan ng POPCOM dahil wala pa umanong kaalaman ang mga tao dito patungkol sa Family Planning.

Speak Your Mind

*