Miyembro ng gabinete ni PNoy na tatakbo sa 2016 elections, ayaw munang kumpirmahin ng palasyo

Tumanggi ang Malacanang na kumpirmahin ang mga miyembro ng gabinete ng Pangulong Noynoy Aquino na posibleng tumakbo sa nalalapit na 2016 presidential elections

Ayon kay Presidential Communications Secretary Sonny Coloma, hintayin na lamang ang magiging kumpirmasyon ng mga tatakbong opisyal ng pamahalaan

Nagbigay naman ng katiyakan ang Malacanang na sakaling magresign sa pwesto ang mga tatakbong gabinete ni Pnoy ay patuloy na maayos at mabuting pamamahala ang ipatutupad ng administrasyong aquino

Aniyya, pipili ang Pangulong Aquino ng competent na kapalit sa mga magbibitiw

Una nang kinumpirma ni Senate President Frankling Drilon ang mga posibleng magbibitiw sa pwesto ng gabinete ni Pnoy upang paghandaan ang nalalapit na eleksiyon tulad nina Interior Secretary Mar Roxas, Agriculture Secretary Proceso Alcala, Justice Sec. Leila De Lima, Energy Sec Jericho Petilla, MMDA Chair. Francis Tolentino at TESDA Director General Joel Villanueva.

Speak Your Mind

*