North Korea, nagsagawa ng missiles test

Nag-test-fired ng tatlong short-range anti-ship missiles ang North Korea sa silangan baybayin sakop nito.

Ito ang inihayag ng South Korean Defense Ministry kung saan tatlong KN-01 missiles ang pinaputok ng North Korea.

Ayon sa South Korean Defense Official, buwan ng Pebrero at Mayo ay nagkaroon na rin ng test fire kaya ang kanilang militar ay patuloy ang ginagawang pagsubaybay sa aktibidad ng North Korea.

Sa ulat naman ng globalsecurity.org, ang KN-01 sufface-to-surface missile ay may range ng 120 kilometers o nasa 75 milya.

Speak Your Mind

*