Pangasinan PNP, tudo bantay sa mga paaralan

Naglagay ng Police Assistance Desks (PADS) at Traffic Assistance Centers malapit sa mga paaralan sa lalawigan ng Pangasinan bilang bahagi ng Oplan Balik Eskwela 2015.

Ito ay bilang pagsunod sa direktiba ng bagong Officer-In-Charge ng Pangasinan PNP na si Senior Superintendent Belli Tamayo sa lahat ng Chiefs of Police sa Pangasinan.

Layon nito na masiguro ang kaayusan at organisadong pag-uumpisa ng klase para sa lahat ng pampubliko at pampribadong paaralan.

Nagsasagawa rin ng mobile at foot patrols ang mga police sa pangunahing lansangan papunta at malapit sa mga paaralan.

Samantalang ang PADS ay namimigay sa mga estudyante ng flyers hinggil sa pagsawata ng krimen at pinapayuhan ang mga ito sa pag-iwas sa aksidente.

Speak Your Mind

*