Pilipinas sa women’s basketball, abot kamay na ang gold medal sa SEA Games

Malapit na para sa inaasahang masungkit na gintong medalya ang mga atleta mula sa Pilipinas sa women’s basketball.

Ito ay matapos talunin ng Pilipinas ang Malaysia sa iskor na 74-63 sa nagpapatuloy na 28th Southeast Asian (SEA) Games sa Singapore.

Nanguna sa panalo si Allana May Lim na nakapag ambag ng 20 puntos habang tig 15 puntos sina Merenciana Arayi at Cindy Resultay at 10 puntos naman ni Afril Bernardino.

Para tuluyang maiuwi ang kauna-unahang gintong medalya sa bansa mula sa womens basketball, kailangan nilang maipanalo ang huling dalawang laro laban sa Indonesia sa Biyernes at kontra Singapore sa darating na Lunes.

Samantala, nananatili paring nasa ika anim na pwesto ang Pilipinas sa medal standing na may 22 gold, 23 silver, at 36 bronze.

Speak Your Mind

*