Sen. Poe, hindi prayoridad na suportahan ng Nacionalista Party sa 2016

Hindi pa rin isinasantabi ng Nacionalista Party ang ilan nitong miyembro na posibleng tumakbo sa 2016 presidential elections.

Ito’y kahit pa inihayag na ni Senador Cynthia Villar na susuportahan nila si Senador Grace Poe oras na mag-desisyon itong kumandidato sa eleksyon.

Ayon kay Senador Antonio Trillanes IV, prayoridad pa rin ng Nacionalista Party na suportahan sina Senador Alan Peter Cayetano at Senador Bongbong Marcos sakali’t tumakbo ang mga ito sa 2016.

Bukod dito, payo ng  senador dapat na kilatising mabuti ng publiko ang mga pulitikong maagang nagpaparamdam para sa 2016 presidential elections.

Ani Trillanes, ang mga programa at polisiya sa mga kinakaharap na problema ng bansa ang dapat na maging prayoridad ng mga pulitikong nag-aambisyon na maging pangulo sa 2016.

Ang nagiging problema raw kasi sa mga politiko ngayon ay mas prayoridad na manalo imbes na ilatag kung anung plano ng kanilang administrasyon.

Speak Your Mind

*