Xian Lim at Kim Chui, tinanghal na Prince at Princess of Philippine Movies

Pinarangalan bilang Prince at Princess of Philippine Movies and TV Awards ang rumored couple na sina Xian Lim at Kim Chui sa katatapos lang na 46th Box Office Entertainment Awards of the Guillermo Mendoza Memorial Scholarship Foundation

Tinanghal namang Box Office King and Queen sina Piolo Pascual at Toni Gonzaga para sa kanilang matagumpay na pelikulang “Starting Over Again.”

Samantala, kinilala naman bilang Film Actor of the Year si John Lloyd cruz habang ang Film Actress of the Year si Iza Calzado.

Pinagkaloob naman sa aktres na si Liza Soberano ang Most Promising Female Star of the Year habang ang Bert Marcelo Lifetime Achievement ay ibinigay kay Angelica Panganiban.

Speak Your Mind

*