Chemical Weapon, ginagamit na ng ISIS sa kanilang ginagawang mga pag-atake

Gumagamit na ng chemical weapon ang grupong ISIS sa kanilang ginagawang pag-atake sa Iraq at Syria.

Ito ang nakumpirma sa ulat ng Conflict Arnament Research at Sahan Research na parehong base sa United Kingdom.

Bukod sa mga pag-atake gamit ang mga suicide bombers at improvise explosive device ay gumagamit na rin ngayon ang grupo ng chlorine at iba pang kemikal bilang bagong sandata.

Nakita ang kulay dilaw na kemikal na sinasabing chlorine base sa mga pinakawalan nitong mortar laban sa mga Kurdish Army.

Speak Your Mind

*