300 buntis, nabigyang ayudas sa 8th buntis congress sa San Fabian

Aabot sa 300 babaeng buntis ang nakiisa sa naganap na 8th buntis congress sa bayan ng San Fabian, Pangasinan.

Ang aktibidad ay pinangunahan ng Provincial Health Office (PHO).

Ipinabatid ni Assistant Provincial Health Officer Jeremy Rosario sa mga partisipante na ang Maternal Health Care (MHC) ay bahagi ng Health Care Development Thrust ng Administrasyon ni Gov. Amado Espino Jr.

Sa naganap na congress ay pinalawak ang kalaaman ng mga buntis hinggil sa pagiging responsableng magulang, ligtas na panganganak,pagpa-plano ng pamilya, ante-natal at post-partum care.

Nabigyan rin ang mga buntis ng libreng serbisyo gaya ng sa beauty care, dental at medikal. mayroon ding laboratory examinations tulad ng urinalysis, pre-natal check-up, ultrasound at iba pa.

Nagkaroon din ng patimpalak para sa mga  pretty preggy.

Kaugnay nito ay nagpasalamat naman si Mayor Constante Agbayani sa pagsasagawa ng probinsya ng buntis congress sa kanyang bayan.

Dagdag ng alkalde na ang probisyon ng serbisyong pangkalusugan ay kasama sa kanyang prayoridad. Dzrd981 News Desk

Speak Your Mind

*