AUTOPRO-Pangasinan, bukas sa posibleng paggalaw ng pasahe sa jeep

Binigyang diin ng Alliance of United Transport Organizations Province-Wide o AUTOPRO-Pangasinan wala pang paggalaw sa pasahe sa mga pampasaherong jeep.

Kaugnay ito sa muling ipinatupad na oil price rollback ang ilang kompanya ng langis sa bansa kahapon.

Umaabot sa 90 centavos hanggang piso ang tapyas sa presyo ng petrolyo, 40 hanggang 60 centavos ang sa gasolina, habang 35 hanggang 50 centavos naman ang bawas sa diesel.

Ayon kay AUTPRO-Pangasinan President Benny Aquino na bukas naman ang kanilang grupo kapag nagpatawag ang Land Transportation and Franchising Board (LTFRB) para sa nabanggit na usapin.

Magugunitang ang huling pagpapatupad ng bawas singil pasahe sa jeepney ay nitong Enero.

Speak Your Mind

*