Bakbakan ng San Sebastian Stags at Letran Knights sa 91st NCAA, pahirapan

Naging pahirapan ang laban ng San Sebastian Stags at Letran Knights sa 91st National Collegiate Athletic Association (NCAA) basketball tournament na ginanap sa Arena San Juan.

Lusot sa butas ng karayom ang San Sebastian sa dikitang laban nito sa Letran na nagtapos sa iskor na 89-87.

Dalawampu’t pitong puntos ang pinakawalan ni Michael Calisaan dahilan para mabago ang ihip ng hangin at makaungos ang San Sebastian.

Ito na ang ikatlong panalo ng stags sa serye.

Speak Your Mind

*