Broadcastreeing 2015 ng KBP Pangasinan, naging matagumpay

Mahigit apat-na-raang indibidwal ang nakibahagi sa kapisanan ng mga Broadcaster ng Pilipinas (KBP) Oplan Broadcastreeing sa Manleluag Landscape sa barangay Malabobo sa bayan ng Mangatarem, Pangasinan.

Ayon kay Celso Salazar ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) – Pangasinan na matuturing niyang environmental success ang naganap na aktibidad.

Sinabi pa nito sa sonshine radio na isa itong indikasyon na maraming kumakalinga at nagmamahal sa kalikasan.

Aabot sa 3,000 seedlings ng narra ang naitanim at isa na ito na may pinaka-maraming bilang ng nagtanim sa manleluag landscape mula noong inilunsad ang national greening program (ngp) ng gobyerno taong 2011.

Kabilang sa mga nakiisa sa KBP Broadcastreeing ay ang Camp Andres Malong ng Philippine Army sa bayan ng Binmaley, Camp Tito Abat ng Philippine Army sa Manaoag, Pangasinan Police Provincial Office, PNP Maritime, Naval Reserved-North Luzon, DENR-Pangasinan, Comelec Mangatarem, Philhealth Region One, DILG-Pangasinan, LTO-Dagupan, Philippine Red Cross-Pangasinan, PIA-Pangasinan,  DAR-Urdaneta, Sonshine Philippines Movement, Pagasa Ng Buhay Association, Lyceum Mangatarem Students, at CDA Region One.

Aktibo rin na nakibahagi ang lahat ng A-M at F-M radio stations, at television na kasapi ng KBP.

Ang KBP Broadcastreeing 2015 ay sabay-sabay na isinagawa ng lahat ng chapters ng KBP sa buong bansa noong sabado.

Speak Your Mind

*