Coco Martin, kinilala bilang best actor ng 2015 Eduk Circle Awards

Muling kinilala bilang best actor si Coco Martin ng 2015 Eduk Circle Awards na ginanap sa UP Theater nitong sabado.

Ang Eduk Circle Awards ay binubuo ng mga estudyante mula sa iba’t ibang pamantasan sa buong bansa na nagkakaloob ng awards sa mga prominenteng personalidad.

Personal namang tinanggap ni Coco ang kanyang tropeo sa awards night.

Ayon sa actor, kahit ilang beses na siyang ginawaran ng best actor awards ng iba’t ibang award-giving bodies, ay nakakaramdam pa rin siya ng kaba.

Very timely naman daw ang bagong award niya dahil malapit nang ipalabas ang bago niyang teleseryeng “Ang Probinsiyano” na hinango sa classic film ni Fernando Poe, Jr.

Speak Your Mind

*