Derek Ramsay, happy sa pagkakaayos ng nakatampuhang TV Network

Happy si Derek Ramsay na naayos na ang gusot sa pagitan niya at ng kanyang pinagmulang Television Network bago siya lumipat ng TV5 noong 2012.

Ayon pa sa aktor, may malaking tinik na natanggal sa puso niya ngayong okay na sila ng ABS-CBN.

Dagdag pa ni Derek, wala rin siyang sama ng loob sa kanyang pinagmulan.

Kahit pa may exclusive contract sa Kapatid Network, umaasa si Derek na magkakaroon pa siya ng ibang proyekto sa Kapamilya Network.

Ngayon ay may upcoming movie si Derek kasama si Coleen Garcia na ipinrodyus ng star Cinema, ang film arm ng ABS-CBN.

Speak Your Mind

*