Mga lugar na nasa gilid ng Agno River, mahigpit na binabantayan

Patuloy na binabantayan ng Agno River Flood Control System ang mga bayan na dinadaanan ng tubig mula sa San Roque dam.

Ito’y dahil sa pagpapakawala ng tubig mula sa dam at pag-ulan na posibleng magdala ng pagbaha sa mga lugar na malapit sa Agno river.

Kabilang sa mahigpit na binabantayan ngayon ang Barangay Carmen sa bayan ng Rosales at ang bayan ng Sta. Maria.

Samantala, may mga nasirang pananim sa bayan ng San manuel dahil bumigay ang dike.

Naging maagap naman ang National Irrigation Administration (NIA) dahil mula noong ini-anunsyo ang pagpapakawala ng tubig mula San Roque dam ay isinara na ang mga canal sa irrigation system.

Layunin nitong makontrol ang tubig na papunta sa mga sakahan. Dzrd981 news desk

Speak Your Mind

*