Paglago ng ekonomiya ng bansa sa ikalawang bahagi ng taon, ikinatuwa ng malakanyang

Ikinatuwa ng malacañang ang paglago ng ekonomiya ng bansa ngayong ikalawang bahagi ng taon sa 5.6 percent.

Ayon kay Presidential Spokesperson Edwin Lacierda, mas mataas ito sa five percent economic growth sa unang bahagi ng taon.

Punto ni Lacierda, ang paglago ng ekonomiya ay dahil sa pagtaas ng paggasta ng gobyerno sa nakalipas na tatlong buwan.

Pahayag pa ni Lacierda, kung pagbabatayan ang iba pang ekonomiya ng mga karatig-bansa sa southeast asia, ang pilipinas ang ikatlong bansang may pinaka-mabilis na paglago ng ekonomiya kasunod ng Malaysia at Indonesia.

Speak Your Mind

*