Panibagong biktima ng natuklaw ng ahas, naitala sa Pangasinan

Isa na namang biktima ng natuklaw ng ahas ang naitala sa lalawigan ng Pangasinan.

Ang biktima na isang babae ay dinala sa Pangasinan Provincial Hospital (PPH) sa lungsod ng San Carlos noong sabado matapos matuklaw ng ahas sa kamay.

Ayon kay Dr. Ruben Reyes, Toxicologist ng PPH noong dumating sa ospital ang pasyente ay nahihilo, nagsusuka at namamaga ang nakagat na bahagi ng katawan.

Agad rin naman aniyang naturukan ng anti-venom ang pasyente.

Sa ngayon ay nagpapagaling na ang pasyente sa nabanggit na ospital.

Payo ng health expert na mag-ingat at panatilihin ang kalinisan sa kapaligiran.

Nabatid na umaabot na sa labing dalawa ang kaso ng snake bite ang naitalang sa buong lalawigan kung saan isa na rito ang namatay.

Speak Your Mind

*