Pork Barrel, nakapaloob parin sa 2016 National Budget

Mayroon pa ring pork barrel sa panukalang tatlong trilyong pisong pambansang budget para sa 2016!

Ito, ayon kay Bayan Muna Partylist Representative Neri Colmenares ay sa porma ng Lump Sum Funds na nagkakahalaga ng 147 bilyong piso para sa sangay ehekutibo.

Ani Colmenares, sa kanyang personal na pagbusisi ng budget ay may 97 bilyong pisong lump sum para sa Special Purpose Fund habang may limampung bilyong piso na naman para sa iba’t ibang ahensya.

Naniniwala ang mambabatas na lalaki pa aniya ang makikita nilang lump sum at pork barrel kapag sinimulan na ang deliberasyon nito sa Kamara.

Matatandaang kinumpirma mismo ni Budget Secretary Florencio Abad ang pagkakaroon ng lump sum sa 2016 Budget Bill pero iginiit nito na hindi ito maituturing na Pork Barrel.

Speak Your Mind

*