Premium Contribution, maaaring bayad sa mga PhilHealth Accredited Agents

Hindi na pwedeng magbayad ng Premium Contribution direkta sa opisina ng PhilHealth ang mga Employer na mayroong labing-isang empleyado pataas.

Ito ang muling ipinaalala ni Joseph Manuel, ang OIC Information Officer ng PHILHEALTH Region 1 alinsunod sa PhilHealth Circular Number 009-2015.

Nakasaad sa nabanggit na circular na ang mga employer ay otomatikong magbayad na sa PhilHealth Accredited Agents gaya ng Bangko, Postal Banks at Bayad Centers.

Ipinaliwanag ni Manuel na pinapalakas ng PhilHealth ang partnerships nito sa mga pribadong kompanya.

….

Nilinaw ng PhilHealth na ang Z-Benefits packages ay ibinibigay sa mga nangangailangan ng mahaba at mahal na gamutan.

Sinabi ni Joseph Manuel, ang OIC Information Officer ng PHILHEALTH Region 1 na mayroong pre-conditions at selections criteria na kinakailangang tugunan upang makamit ang benepisyo sa mga piling Government Hospitals.

Sa ilalim ng Z-Benefits ang PhilHealth package para sa Acute Lymphocytic Leukemia ay 210,000 pesos, sa Breast Cancer na stage zero hanggang three ay 100,000 pesos, ang Prostate Cancer na low hanggang intermediate risk ay 100,000 pesos at ang Kidney Transplant ay 600,000 pesos.

Speak Your Mind

*