Test materials ng Deped, bawal umanong ipa-imprenta

Bawal ang pagpapa-imprenta sa printing press ng test materials.

Ito ang binigyang diin ni Department of Education (Deped) Region One Information Officer Darios Nieto base na rin sa Deped Order 7-2012.

Ani Nieto, may mga nakarating na report sa kanilang opisina na may mga principal at mga guro na nagpapa-print ng mga test exam, halimbawa ang gagamitin sa periodic exam.

Giit ni Nieto na kung may nagpa-print, ang guro ang dapat singilin hindi ang principal dahil hindi sakop ng Miscellaneous Operating Expenses (MOE) ng eskwelahan.

Sinabi ni Nieto na inaalis na ang regional at division achievement test, at ang pinapayagan na lamang ay ang national achievement test.

Ang mga lalabag sa naturang kautusan ay pwedeng maharap sa kasong insubordination at grave misconduct.

Speak Your Mind

*